Maraming mga bagay ang gusto kong balikan, yung kabataan ko, yung laro namin dati, yung mga palabas sa TV na masayang panoorin, yung mga kanta namin dati, yung 90′s.
Naalala ko noon yung mga laro namin, mga chinese garter, text, jolens, tansan, pellet gun, tom soyer, agawan base, patintero, langit-lupa, sili-sili, aral-aralan, bahay-bahayan, at iba pang mga laro na masaya. Yung FUN, yung walang DULL moment kapag ginagawa nyo. Tapos after ng laro, kakain ka ng chit-chitya, o kaya bazzooka, pom-poms, regent cake (na sikat noon kasama ng cupcake), adidas, paa ng manok, isaw at halo-halo.
Ang daminbg nabago sa buhay natin, napakabilis gn transisyon ng ugali at paraan ng pamumuhay ng tao, napakabilis ng takbo ngayun ko lang napansin at naalala ang lahat at lakas ng impact ng pagbabagong ito. Akala ko yung kinalakhan ko ay nagpatuloy lang, yun pala, dahan dahan itong naglaho at napalitan ng mas agresibo at mas mapanganib na pamumuhay ng tao lalung lalo na ng mga kabataan.
Noon, ang away bata matatanda ang tumatapos pero ngayun, mga bata na rin mismo ang tumatapos, kita kits na lang sa langit. Dati naaalala ko, kapag sinabing matanda (yung mas mataas yung edad), takot na takot kami, kaya kahit ano ang iutos sunod agad basta may piso o suhol na kasama, ngayun, mahirap na utusan. Yung utos mo, ikaw rin ang gagawa. Dati isang sabi lang o isang palo, natututo na kami pero ngayun mga pinsan ko kahit kapatid ko, kahit anung bugbog walang pinagtandaan na kahit ano, paulit-ulit ang paggawa ng mga mali nila. Minsan, nasasanay na lang kami…
Hindi ko alam kung anong problema, pero ang mga bata noon napakasaya ng disposisyon sa buhay. Kahit mahirap, masaya. Walang masama ang ugali, walang masyadong basagulero. Pero ngayun, saan mag sulok makikita mo sila, yung iba pokpok, yung iba tambay, yung iba halang ang sikmura. Ewan ko ba, dati isang joke lang tatawa na kami na para bang naka-doobie. Pero ngayun kahit anong joke ko sa mga bata hindi natatawa kahit na ba nanggaling sa sa kanila yung joke na yun dati. Hirap maki-jive sa takbo gn utak. Minsan kahit sabihin kong, “Hoy nakakatawa kaya yung sa amin!” hindi pa rin nila ma-gets na nagjoke ko at dapat silang tumawa. In short, mahirap silang ma-hook sa mga bagay na wala silang interes.
Hindi ko alam kung yung mga kabataan ngayun ay isap-bata lang talaga, pero kung isip bata nga sila, bakit parang ang layo ng agwat ng mga kabataan ng time ko, sa kabataan ngayun? Kung sasabihin ko naman na baka nagmature na sila, eh bakit mas maraming hindi makaintindi sa isang salita lang o bakit marami pa rin ang sablay sa mga desisyon nila sa buhay?
Ang masasabi ko lang, naging masaya ang kabataan ko, masaya ang 90′s, walang bio-lens, kung meron man, piksyunal naman mga monsters at alien ang nagbibigay ng takot sa tao. Ang hiling ko lang, sana maenjoy rin ng mga kabataan ngayun yung kabataan nila, para hindi sila lumaking ponpon-patapon, patapata-pata-pon…
Recent Comments